Friday, September 21, 2007

Abante Tonite's Writeup on Lastikman

Joe Barrameda's Abante Tonite on Lastikman:

---------------------------------------

Kumpara sa Zaido presscon ay hindi gaanong masigla ang preskon ng Lastikman sa Teatrino, Promenade, Greenhills, San Juan.

Powerhouse cast ang fantaserye na ilang beses nang nagawa although bago sa telebisyon. Natutuwa kami at kay Vhong Navarro naibigay ang lead role na bagay na bagay sa kanya.

Nakatataba ng puso ang mga magagandang sinabi ng mga sumusuporta kay Vhong sa fantaserye, lalo na kay Cherie Gil na bago raw siya tumanggap ng isang project ay sinisiguro niya na ang susuportahan niya ay isang magaling at respetadong artista.

Ganun din ang mga sinabi ni Dawn Zulueta. Dahil kongresista na ang asawa ni Dawn ay may panahon na siyang mamalagi sa Manila at may panahon siyang magbalik-artista.

Kasali rin sa Lastikman sina Zsa Zsa Padilla, Miss Gloria Romero (na napakaganda pa rin) at Sunshine Cruz-Montano (na napapanatili ang seksing katawan).

Magandang banggaan ang mangyayari sa Lunes sa pagitan ng Zaido: Pulis Pangkalawakan at Lastikman.

Mapantayan kaya ni Vhong ang bukol nina Aljur Abrenica, Dennis Trillo at Marky Cielo?

Inaasahan namin sa preskon ng Lastikman na lalabas si Vhong na naka-Lastikman costume pero hindi ito nangyari.

http://www.abante-tonite.com/issue/sep2107/main.htm

0 comments: